Aga Muhlach said,
"You know, I will tell you something, ha. I always joke about this. I will not run for any government position...but I will run for president. But I will not campaign. Because if I campaign, I will spend, and alam mo yun, babawiin mo yun while in office.
"Ang sabi nga, money is the root of all evil. So, let's not put money na lang on running for public office. So if I run for president, I will not campaign. But if I win, I will do my job well. Bubuksan ko ang libro ng bayan. O, ayan. Nasa Internet, nandiyan yung budget, kung saan napunta ang pera. Every day puwede mong i-check yan. Kahit sino, puwedeng magtanong kung saan napupunta ang pera ng bayan. Marami namang nag-i-Internet ngayon. Lahat naman naka-Internet na."
"Dapat gano'n ang gawin ng tatakbong presidente. Buksan nila ang libro nila. Ipakita sa madla kung saan napupunta ang pera ng bayan. Halimbawa, kung may budget para sa calamity ng ilang bilyon o meron ding isang bilyon for road networks, dapat makita ng taong bayan kung ano ang status. At kung, halimbawa, may nawalang isandaaang milyon, saan napunta yun? O, ayan, check n'yo sa Internet, nandiyan lahat ng details. Kasi yun ang kailangan ng tao ngayon, yung makita nila kung saan napupunta ang pera ng bayan. Yung nakikita kung paano ang pamamalakad,"
"Buksan ang libro ng bayan. Ipakita kung saan napupunta ang kaban ng bayan. 'Tapos yung mga senador, mga kongresista...mula sa pinakamaliliit na LGU [Local Government Unit] hanggang sa presidente, ipakita kung magkano ang suweldo nila, kung saan napupunta ang perang sinusuweldo nila. Buksan talaga nila ang sarili nila sa tao."
Indeed, Aga Muhlach is right.
|